Posts

Showing posts from December, 2011

MMFF Parade Handa na para bukas

Image
Handang handa na ang isasagawang parada bukas ng mga naglalakihang artista na kalahok sa 37th Metro Manila Film Festival.  magsisimula ang parada sa Mall of Asia at didiretso ng EDSA saka kakanan patungong Roxas Boulevard ayon sa MMDA. Magsisimula ang parada alas-2:00 bukas ng hapon na  magtatapos sa Quirino Grandstand  kung saan isang programa ang gaganapin para opisyal na buksan ang 37th Metro Manila Film Festival. kalahok ang pitong pelikula kabilang ang "Ang Panday 2" ni Bong Revilla, "Enteng ng Ina Mo" nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas,"My Househusband: Ikaw Na!" nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, "Yesterday, Today & Tomorrow" nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion at "Shake, Rattle and Roll 13." "Segunda Mano" nina Kris Aquino at Dingdong Dantes, "Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga" ni Gov. ER Ejercito. mga naglalakihang pelikulang Pilipino para sa MMFF na kinasasabikang panoor