Posts

Showing posts from January, 2012

Bianca King sa Broken Vow

Image
Malapit nang ipalabas ang Broken Vow sa GMA 7 Network na pinagbibidahan ni Bianca King na ipapalabas na sa February 6. samantala sa presscon ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Broken Vow na walang Dennis Trillo na issue na  itatanong kay Bianca King, Ganu’n ang gusto ni Bianca para naka-focus lang daw sana sa Broken Vow ang pag-uusapan.Ayaw niyang sagutin kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Dennis. Pero sinabi rin niyang gusto sana niyang makasama uli sa isa pang drama series si Dennis.Dahil dito sa Broken Vow, ayon kay Bianca na hindi na raw siya magpapakuha uli ng rape scene.Matindi  ang rape scene niya sa seryeng ito at sobrang nahirapan ang dalagang bida.Kailangan daw sa kuwento ang rape scene na iyun para ma-establish ang karakter na ginagampanan niya.Kaya tiniis daw niya ang eksenang iyun na napaka-graphic daw ng pagka-execute.paka abangan na lang po ang Broken Vow ani pa ng bida ng teleserye.

Pauleen Luna Tikom ang bibig pagdating sa isyu nila ni Vic Sotto

Image
kamakailan ay tahasang sinabi ni Oyo Boy Sotto bunsong anak ni Vic Sotto, na hindi siya pabor kay Pauleen Luna na makarelasyon ng kaniyang ama,nilinaw naman ni Oyo Boy na hindi niya alam kung may relasyon na nga si Vic at ang aktres dahil tahimik lang naman daw ang kaniyang daddy at hindi siya galit kay Pauleen kungdi ayaw niya lang sa dalaga para kay Vic, dahil mas bata pa umano ito sa kaniya.samantala pagod na rin si Pauleen Luna sa mga intrigang lumalabas na hindi raw totoo, lalo na kung may kaugnayan sa pagkaka-link niya kay Vic Sotto, Pagdating kay Bossing Vic, tikom pa rin ang bibig ni Pauleen.Saka na lang daw siya mag-kukwento sa publiko kung talagang meron na siyang dapat sabihin.

Maja Salvador, si Matteo Guidicelli ang Dream Boy

Image
“Hindi namin minamadali ang relasyon namin. ‘Yung plano namin mga after 5 years, out of the country kami, mga ganyan. Kasi, ang gusto ko sana si Matteo na (ang mapangasawa),” mahabang pahayag ni Maja. abot-tenga naman ang ngiti ni Matteo sa narinig kay Maja. “It’s very nice to hear that. Fresh palagi pag naririnig mo ‘yung ganyan,” pangiti-ngiting sabi naman ni Matteo.sa kabila ng mga balita na tutol ang parents ni Matteo kay Maja, eto ang pahayag ng dalaga “Diyan po kayo nagkakamali. Pasok ang beauty ko sa kanila! Kung nagkaproblema man kami, hindi dahil sa family niya o family ko. Tingin ko sa bawat relasyon may pinagdadaanang problema. Pero at least, ang maganda po, inaayos namin. Hindi kami nagpatalo.” pahayag pa ni Maja. "Very supportive naman ang family ni Matteo,” sabi ni Maja, na bida sa bagong  pelikulang My Cactus  Heart.

Talk 'N Text wagi kontra Petron

Image
Panalo sa Game 1 ng best-of-seven series ang defending champion ng Tropang Texters  Talk 'N Text laban sa Petron Blaze Boosters sa PBA Philippine Cup. Malaking tulong sa panalo ng Tropang Texters ay ang magandang performance ni Larry Fonacier. Tinalo ng Talk 'N Text ang Petron sa iskor na 87-83. Umiskor si Fonacier ng gamehigh 22 points at 6 rebounds. samantala nakabalik na rin sa lineup ng Talk 'N Text si Ali Peek, matapos ang nangyaring pagkakabaril nito noong nakalipas na buwan ng Nobyembre. Nakapagtala naman ng 8 puntos at 9 rebounds si Peek. nanguna naman sa kabilang panig ng Blaze Boosters ay sina Alex Cabagnot at Rob Reyes. nakagawa 20 points si Cabagnot habang 18 puntos naman kay Reyes.

Pia Guanio 5 weeks Preggy na,Masayang Inanunsyo

Image
Kahapon sa kanyang noontime show,masayang inihayag ng TV Host na si Pia Guanio na siya ay five weeks pregnant na. Ikinasal ang dalawa noong nakaraang taon sa pamamagitan ng private ceremony sa tahanan ng mga magulang ni Steve sa Ayala, Alabang.  plano ni Pia at mister nitong si Steve Mago na magkaroon ng "bigger wedding" para maimbitahan ang mga kaibigan sa showbiz.

Sa kabila ng pagkalat ng Sex Video nila ni Ramgen,Suporta kay Janelle bumuhos

Image
Dahil sa pagkalat ng Ramgen-Janelle video scandal sa internet, na shock at napa iyak si Janelle Manahan, Girlfriend ng pinaslang na actor na si Ramgen Revilla. Napag-alaman na pinagpiyestahan ng maraming internet users ang kanilang video scandal. Awa naman ang naramdaman ng iba para kay Janelle na matapos mamatayan ng nobyo at ngayon ay nakikipagtulungan sa imbestigasyon sa kaso at pagpapagaling sa tinamong tama ng baril sa mukha, ay nayuyurakan naman ang pagkababae nito.  ilan sa mga komento ang nagsasabing kawalan ng respeto para sa yumaong aktor ang pagpapalaganap ng pribadong video at may iba pang nagsasabi na sana ay multuhin ng kaluluwa ni Ramgen ang nagkalat nito sa internet. samantala inihayag ni Guevarra abogado ni Janelle na posibleng mga kapatid din ni Ramgen ang nagpakalat ng naturang video dahil mula raw nang mapaslang ito ay kinuha na ng kanyang mga kapatid ang ilang mga gamit nito.