Posts

Showing posts from June, 2012

The Highest Paid Athletes Mayweather and Pacquiao

Image
Nangunguna ngayon sa listahan ng Forbes sina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao sa bagong listahan ng Forbes Magazine sa "worlds highest paid athletes." na dating   si Tiger Woods ang No.1  Ngayong taon ay pumangatlo lamang si Woods na mula pa noong taong 2001 ay namamayagpag na bilang top-earner. yumaman  ng husto si Mayweather dahil naaangkin niya lahat ang kita bunsod ng pagiging fight promoter sa ilalim ng Mayweather Promotions. Sa huling laban kay Cotto nagkamal ang PPV receipts sa $94 million. Si Mayweather ay nagsisilbi ngayon ng kanyang sentensiya sa kulungan sa Las Vegas. Samantala, si Pacman naman na pumapangalawa ay kumita umano ng $62 million. kumita ang Pinoy superstar ng $56 million kabilang na ang paghakot ng kita sa broadcast rights sa Pilipinas laban   kay Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley. nasa $6 million naman ang naipon ng pambansang kamao s a mga endorsement tinatayang  tulad  na lamang sa mga higanteng kompaniya na  Hewlett-Packard, Monst

Pacquiao laban kay Tim Bradley

Image
Sa nalalapit na apat na araw laban kay Tim Brad­ley, at sa kabila ng kahandaan, inamin ni Manny Pacquiao na nakakaramdam pa rin siya ng ‘pressure’.Sa Sabado ng gabi  itataya ng pambansang kamao ang WBO welterweight crown sa wala pang talong si Bradley (28-0). Kahapon sa arrival ceremony sa lobby ng MGM Grand Garden Arena, sinabi ni Pacman ang  pambansang kamao  na nararamdaman niya ang pressure na kailangan niyang makapagpakita ng impresibong laban. Nape-pressure siya dahil sa unang pagkakataon ay manonood nang ‘live’ ang kanyang mga anak. Ayon kay Pacquiao“Medyo may pressure on my part, naghahanap ang mga fans ng magandang performance ko, idag­dag pa ‘yong manood ang mga anak ko, first time,” sambit ni Pacquiao na matipid ang mga salita sa bawat tanong sa kanya ng mga mamamahayag. Pagkatapos ng arrival ceremony, nagpahinga lamang ng konting oras ang Pambansang Kamao at nagtungo na sa University of Nevada gym para mag-ensayo.samantala hindi na nito nagawang makapag Bible stud