Posts

Showing posts from July, 2013

Marian Rivera Buntis nga Ba?

Image
“Enjoy lang ang buhay, mas masarap mabuhay na positive ang tingin mo,” sey ni Marian.  inamin ni Marian na natawa siya sa balitang buntis siya. Pahayag niya, seven years na raw siyang nababali­tang buntis at ayaw pa rin siyang tantanan, paikut-ikot na lang daw ang mga issue sa kanya na kung hindi siya buntis, nanganak na siya o nagkaanak na siya ani pa ng actress. Deadma lang daw si Marian sa isyung ito dahil nasanay na siya sa mga intriga sa kanya. Samantala ngayong Agosto na magtatapos ang kontrata ni Marian Rivera sa Kapuso Network  at malakas na ang bali-balita na siya ang tinutukoy na big star ng primetime sa isang network na lilipat sa Kapatid Network. Hindi nagbigay ng kongkretong sagot si Marian tungkol dito dahil wala raw siyang alam pero nagbigay siya ng statement na mahal niya ang GMA 7 at hindi pa raw niya iniisip na lumipat sa Tv5.