Posts

Miss World 2013 Megan Young

Image
kasaysayan para sa sambayanang Filipino ang pagkapanalo ng 23-anyos na aktres na si Megan Young matapos itong hirangin bilang Miss World 2013 kagabi ng parangal na ginanap sa Bali Nusa Dua Convention Center sa Indonesia. Tinalo ni Megan ang may 127 na iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa upang palitan ang Miss World 2013 na si Wenxia Yu ng China na siya ring nagputong ng korona sa pambato ng Pilipinas. Pumangalawa kay Megan si Marine Lorphelin ng France, at pangatlo si Carranzar Shooter ng Ghana. Pumaimbolog din ang ranking ni Megan dahil sa kanyang naging performance sa Question and Answer portion kung saan ay tinanong silang Top 6 na “Why should you become Miss World?” Binigyan-diin ni Megan sa kanyang kasagutan ang ‘core values’ ng Miss World at kung paano niya gagamitin ito upang makatulong sa lipunan.

Marian Rivera Buntis nga Ba?

Image
“Enjoy lang ang buhay, mas masarap mabuhay na positive ang tingin mo,” sey ni Marian.  inamin ni Marian na natawa siya sa balitang buntis siya. Pahayag niya, seven years na raw siyang nababali­tang buntis at ayaw pa rin siyang tantanan, paikut-ikot na lang daw ang mga issue sa kanya na kung hindi siya buntis, nanganak na siya o nagkaanak na siya ani pa ng actress. Deadma lang daw si Marian sa isyung ito dahil nasanay na siya sa mga intriga sa kanya. Samantala ngayong Agosto na magtatapos ang kontrata ni Marian Rivera sa Kapuso Network  at malakas na ang bali-balita na siya ang tinutukoy na big star ng primetime sa isang network na lilipat sa Kapatid Network. Hindi nagbigay ng kongkretong sagot si Marian tungkol dito dahil wala raw siyang alam pero nagbigay siya ng statement na mahal niya ang GMA 7 at hindi pa raw niya iniisip na lumipat sa Tv5.

Angeline Quinto Nagparetoke ng Boobs?

Image
Hinayag Ni Angeline Quinto na Hindi sya Nagparetoke ng Kanyang Boobs at sa Isyung sumailalim sya sa Breast Enhancement Procedures. Ayon sa singer,na wala itong balak magpalaki ng kanyang Boobs at naghamon pa ang Singer Actress na kahit hawakan pa ang kanyang Boobs para mapatunayang ito ay totoo. Ayon pa kay Angeline na ang gusto nya talagang ipagawa ay ang kanyang ilong,pero hindi nya pa din pinapagawa. ayon pa kay Quinto na ipapaalam pa nya sa publiko kung kailan mangyayari ito..Kasabay nito, inihayag ni Angeline na wala siyang nakikitang mali kung may ipabago man ang isang tao sa katawan nito.

Manny 'Pacman'Pacquiao Handa na sa Training sa Wild Card Gym

Image
 Handa na sa Training Ground ang 8-division world champion na si Manny Pacquiao ang huling training session sa Wild Card Gym bago tumulak papuntang Las Vegas. Ayon sa Pambansang Kamao, kailangan na umanong tapusin ang expiration date sa kanila ni Juan Manuel Marquez. Habang hawak-hawak ni Pacman ang DVD copies ng mga pelikula ng batikang martial artist na si Bruce Lee. Samantala dumating na sa Los Angeles si Marquez, isang linggo bago ang laban. sa December 9 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada,Ang Pacquiao-Marquez fight sa kung saan gaganapin ang laban.

Bea Alonzo at John Llyod Cruz "The Mistress" Patok sa takilya

Image
Malaki ang pasasalamat ni Bea Alonzo at John Llyod Cruz sa mainit na pagtanggap ng mga movie fans ng dalawa sa kanilang pelikulang "The Mistress" na kumita nang P100 Million  At kahit sa France, mainit na tinanggap ang latest movie ng dalawa.halos maiyak din sa tuwa si Bea Alonzo dahil sa balitang umabot na sa P100 Million ang kinita ng nasabing pelikula nila ni John Llyod.

Birthday Concert ni AGA MUHLACH plantsado na!

Image
Sa Unang pagkakataon  idaraos ni Aga Muhlach ang kanyang kaarawan sa lalawigan ng Camarines Sur,kaya inaasahan ang pagdating ng malalaking artista sa birthday celebration ng aktor bukas.kabilang sa mga dadalo sa concert/celebration ng aktor sina Billy Crawford,Angel Locsin, Regine Velasquez-Alcasid, mag-asawang Albert at Liezl Martinez, ., Bayani Agbayani, Andrew E. at ang bandang Side A. Samantala Pangungunahan naman ng asawa nitong si Charlene ang nasabing okasyon sa Goa Central School at may  libreng sakay ang ipagkakaloob ng aktor sa mga residenteng nais dumalo sa libreng okasyon.

Actor Gerald Anderson nagbakasyon sa Egypt

Image
Actor Gerald Anderson nagbakasyon muna sa Egypt kasama ang nakababatang kapatid at ama .ayon sa report na pinatigil ng ina ni Sarah Geronimo ang binata sa panliligaw sa Pop Star Princess, depensa naman ng binata na walang kinalaman  ang kanyang pagbabakasyon sa Egypt. Ani ng binatang actor   “It’s just the time for my family. Medyo naging busy din ako, sobra. So, kailangan ko ring magbigay ng oras para sa pamilya ko." ayon naman sa dalaga noong una ay nagpahaging ang kanyang ina na hindi kayang sundin ng Fil-Am actor ang batas sa kanilang pamilya na sa bahay lang liligawan ang anak at hindi sa labas o sa text.