Gwen Gwendoline Ruais hindi dapat magkaroon ng comparison sa kanila ni Shamsey Supsup

Pinagkaguluhan si Ms. World first runner-up Gwendoline Ruais sa Senado upang tanggapin ang ibinigay na parangal ng kapulungan kaugnay ng kanyang nakamit na tagumpay para sa Pilipinas. kasama ng Miss World na nagtungo sa senado ang kanyang pamilya. matatandaang ibinida ni Miss World-Philippines pageant director Cory Quirino na mas malaki umanong tagumpay ito para sa bansa dahil 100 bansa ang kalahok kompara sa Miss Universe na mayroon lamang daw 87.naging maingat naman ang Filipina-French beauty queen sa mga tanong tungkol kay Shamcey Supsup sa Welcome Presscon ng Miss World Philippines noong biyernes na ginanap sa Midas Hotel tungkol sa pagkukumpara ng dalawang Beauty Queen dahil sa mas mataas ang karangalan na nakuha nya sa Miss World kumpara sa 3rd runner-up place ni Shamcey Supsup.para kay Gwen hindi dapat magkaroon ng comparison dahil pareho sila ni Shamsey Supsup ang naguwi ng karangalan sa ating bansa. samantala handa na ngayong umaga ang Motorcade ng Miss World 1st Princess na magsisimula sa GMA Network Center na daraan sa Edsa papuntang Ayala at magtatapos sa SM Mall of Asia.

Comments

Popular posts from this blog

Marquez 'El Dinamita' Ulitimate Competitor ni "Pacman"Pacquiao

Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa

Pia Guanio 5 weeks Preggy na,Masayang Inanunsyo