Pacquiao Wagi Laban Kay Marquez

Matagumpay na naidepensa ng Filipino ring icon Manny Pacquiao ang WBO welterweight crown nito  laban kay 3-division world champion Juan Manuel Marquez. hindi man napabagsak ni Pacquiao ang Mexican boxer, nasungkit nito ang panalo via majority decision. Si Pacquiao ay nakakuha ng 114-114, 115-113 at 116-112 na paborableng iskor sa cards.ganun pa man marami naman ang humanga sa tibay at galing ng counter-punching ni Marquez kung saan malinaw na nahirapan si Pacquiao. Sa computer box, lumabas na mayroong kabuuang 578 punches na binitawan si Pacquiao kung saan 176 ang tumama habang si El Dinamita ay mayroon lamang 436 punches at 138 dito ang naka-connect.mayroon ding 304 jabs ang Filipino ring icon kung saan 59 ay tumama kay Marquez habang ang Mexican ring legend ay nakatama lamang ng 38 jabs mula sa kabuuang 182 nitong binitawan.sa power punches, lamang pa rin sa mga binitawang suntok si Pacman.ang pound-for-pound king ay may 274 power punches kung saan 117 ay tumama sa kalaban habang si Marquez ay mayroong 254 at 100 dito ay naka-puntos.samantala dahil sa kontrobersyal na kinalabasan ng laban ni Pacman at El Dinamita may panawagan si Pacquiao sa mga bumabatikos sa kanya aniya hindi siya si superman mataas lamang kasi ang expectation sa kanya ng mga  tao na nasanay na nakikita siya na merong pinabagsak at pinupulbos sa ring at  hindi sa lahat ng oras ay may babagsak sa kanyang kalaban.

Comments

  1. Sa kabila ng mga batikos sa pound for pound king lets congratulate to Manny Pacquiao,saludo kami sa pambansang kamao.Congarts Manny "Pacman" Pacquiao

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Marquez 'El Dinamita' Ulitimate Competitor ni "Pacman"Pacquiao

Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa

Pia Guanio 5 weeks Preggy na,Masayang Inanunsyo