Sarah Lahbati "Kokak" sa GMA7

Masayang inihayag ni Sarah Lahbati ang kanyang bagong pagbibidahan sa TV version ng "Kokak" sa GMA7.“Sobrang saya ko. Naglulundag ako sa kwarto ko at binalita ko agad kina mommy. Tinawagan ko sila!” pahayag ni Sarah. nakilala si Sarah sa StarStruck V at sa kanyang sweet image. eto na ang time na pinakahihintay ng dalaga dahil bata pa lang ay nag-aartista na. “Five years old pa lang, nag-aartista na ako. Pabalik-balik lang tapos, sumali ako ng StarStruck dahil siguro inisip ko na ‘yun nga ‘yung way. Hindi naman ako nagsi-sisi sa lahat ng desisyong ginawa ko dahil kung hindi ako sumali ng StarStruck, for sure wala ako rito,” katwiran pa niya.  kasama ni ­Sarah sa afternoon drama ay sina  Ervic Vijandre, TJ Trinidad, Jessa Zaragosa, JC Tiuseco, Caridad Sanchez, Deborah Sun at sa direksyon ni Ricky Davao.






Comments

Popular posts from this blog

Marquez 'El Dinamita' Ulitimate Competitor ni "Pacman"Pacquiao

Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa

Pia Guanio 5 weeks Preggy na,Masayang Inanunsyo