Posts

Showing posts from July, 2012

Actor Gerald Anderson nagbakasyon sa Egypt

Image
Actor Gerald Anderson nagbakasyon muna sa Egypt kasama ang nakababatang kapatid at ama .ayon sa report na pinatigil ng ina ni Sarah Geronimo ang binata sa panliligaw sa Pop Star Princess, depensa naman ng binata na walang kinalaman  ang kanyang pagbabakasyon sa Egypt. Ani ng binatang actor   “It’s just the time for my family. Medyo naging busy din ako, sobra. So, kailangan ko ring magbigay ng oras para sa pamilya ko." ayon naman sa dalaga noong una ay nagpahaging ang kanyang ina na hindi kayang sundin ng Fil-Am actor ang batas sa kanilang pamilya na sa bahay lang liligawan ang anak at hindi sa labas o sa text.

Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa

Image
Kumpirmadong Binawian na ng buhay ang Comedy King na si Rodolfo "Dolphy" Quizon,    Labing-limang araw bago ang kanyang ika-84 taong kaarawan, ayon sa kanyang long time partner na si Zsazsa Padilla. Ganap na alas-8:34 gabi ng Martes nang bawian ng buhay ang tinaguriang King of Philippine Comedy matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa Makati Medical Center mula noong June 9. Sa statement ng Makati Medical Center sa pamamagitan ni Dr. Jake Marty, assistant medical patient's relation, binawian umano ng buhay ang aktor dahil sa "multiple organ failure."     Si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo, Maynila.i sang mekaniko ang ama nitong si Melencio Espinosa Quizon habang mananahi naman ang kanyang inang si Salud Vera-Quizon. pangalawa ito sa 10 magkakapatid,  pinasok nito ang iba't ibang hanapubuhay gaya ng pagtitinda ng mani at pakwan at pagiging shoeshine boy noong kasagsagan ng World War II.