Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa


Kumpirmadong Binawian na ng buhay ang Comedy King na si Rodolfo "Dolphy" Quizon,   Labing-limang araw bago ang kanyang ika-84 taong kaarawan, ayon sa kanyang long time partner na si Zsazsa Padilla.Ganap na alas-8:34 gabi ng Martes nang bawian ng buhay ang tinaguriang King of Philippine Comedy matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa Makati Medical Center mula noong June 9.
Sa statement ng Makati Medical Center sa pamamagitan ni Dr. Jake Marty, assistant medical patient's relation, binawian umano ng buhay ang aktor dahil sa "multiple organ failure."    Si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo, Maynila.isang mekaniko ang ama nitong si Melencio Espinosa Quizon habang mananahi naman ang kanyang inang si Salud Vera-Quizon.pangalawa ito sa 10 magkakapatid, pinasok nito ang iba't ibang hanapubuhay gaya ng pagtitinda ng mani at pakwan at pagiging shoeshine boy noong kasagsagan ng World War II. 19 years ang comedy king nang unang beses magbigyan ng break sa isang pelikula na pinamagatang "Dugo at Bayan (I Remember Bataan)" kasama ang yumao na ring si Fernando Poe Jr, na siyang nakadiskobre sa kanya.Maliban sa mga pelikula at telivision ay aktibo rin ang hari ng komedya sa radyo at entablado maging sa pag-ganap ng bading sa pelikula.



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pia Guanio 5 weeks Preggy na,Masayang Inanunsyo

Marquez 'El Dinamita' Ulitimate Competitor ni "Pacman"Pacquiao