Posts
Pacquiao Win through Split Decision
- Get link
- X
- Other Apps
Muli Panalo ang Ating Pambansang Kamao na si Sen.Manny "Pacman" Paquiao sa Laban nila Ni Keith Thurman Nito Kagabi sa Las Vegas Nevada via split decision. Nagpaabot Naman ng pagbati ang Malacañang kay Sen. Manny Pacquiao Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang panalo ni Pacquiao ay tagumpay ng buong bansa. “The Palace is one in rejoicing with the Filipino people as the Pambansang Kamao once again puts the flag above the predestal with his displace of tenacity and courage,” ani Panelo. Muli ang Buong sambayanang Pilipino ay Muling Binigyan ng Karangalan ni Sen.Pacman Pacquiao ngayong araw para pagkaisahin ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa naipamalas ulit nito ang kanyang angking athleticism, power at Filipino pride. Sa edad na 40, nagbalik si Manny Pacquiao upang maging pinakamatandang welterweight champion sa kasaysayan ng boxing....
DU30 sa Sona may pasabog na dapat abangan..Palasyo
- Get link
- X
- Other Apps
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na Posible umanong may mga matitinding pangalang babanggitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) sa July 25.Sinabi rin ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na bahagi ito ng pagiging transparent ng presidente sa kanyang laban kontra iligal na droga. hindi naman nagbigay ng clue si Andanar kung sino-sino ang mga ito kaya't abangan na lamang aniya ito sa July 25.
Miss World 2013 Megan Young
- Get link
- X
- Other Apps
kasaysayan para sa sambayanang Filipino ang pagkapanalo ng 23-anyos na aktres na si Megan Young matapos itong hirangin bilang Miss World 2013 kagabi ng parangal na ginanap sa Bali Nusa Dua Convention Center sa Indonesia. Tinalo ni Megan ang may 127 na iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa upang palitan ang Miss World 2013 na si Wenxia Yu ng China na siya ring nagputong ng korona sa pambato ng Pilipinas. Pumangalawa kay Megan si Marine Lorphelin ng France, at pangatlo si Carranzar Shooter ng Ghana. Pumaimbolog din ang ranking ni Megan dahil sa kanyang naging performance sa Question and Answer portion kung saan ay tinanong silang Top 6 na “Why should you become Miss World?” Binigyan-diin ni Megan sa kanyang kasagutan ang ‘core values’ ng Miss World at kung paano niya gagamitin ito upang makatulong sa lipunan.
Marian Rivera Buntis nga Ba?
- Get link
- X
- Other Apps
“Enjoy lang ang buhay, mas masarap mabuhay na positive ang tingin mo,” sey ni Marian. inamin ni Marian na natawa siya sa balitang buntis siya. Pahayag niya, seven years na raw siyang nababalitang buntis at ayaw pa rin siyang tantanan, paikut-ikot na lang daw ang mga issue sa kanya na kung hindi siya buntis, nanganak na siya o nagkaanak na siya ani pa ng actress. Deadma lang daw si Marian sa isyung ito dahil nasanay na siya sa mga intriga sa kanya. Samantala ngayong Agosto na magtatapos ang kontrata ni Marian Rivera sa Kapuso Network at malakas na ang bali-balita na siya ang tinutukoy na big star ng primetime sa isang network na lilipat sa Kapatid Network. Hindi nagbigay ng kongkretong sagot si Marian tungkol dito dahil wala raw siyang alam pero nagbigay siya ng statement na mahal niya ang GMA 7 at hindi pa raw niya iniisip na lumipat sa Tv5.
Angeline Quinto Nagparetoke ng Boobs?
- Get link
- X
- Other Apps
Hinayag Ni Angeline Quinto na Hindi sya Nagparetoke ng Kanyang Boobs at sa Isyung sumailalim sya sa Breast Enhancement Procedures. Ayon sa singer,na wala itong balak magpalaki ng kanyang Boobs at naghamon pa ang Singer Actress na kahit hawakan pa ang kanyang Boobs para mapatunayang ito ay totoo. Ayon pa kay Angeline na ang gusto nya talagang ipagawa ay ang kanyang ilong,pero hindi nya pa din pinapagawa. ayon pa kay Quinto na ipapaalam pa nya sa publiko kung kailan mangyayari ito..Kasabay nito, inihayag ni Angeline na wala siyang nakikitang mali kung may ipabago man ang isang tao sa katawan nito.
Manny 'Pacman'Pacquiao Handa na sa Training sa Wild Card Gym
- Get link
- X
- Other Apps
Handa na sa Training Ground ang 8-division world champion na si Manny Pacquiao ang huling training session sa Wild Card Gym bago tumulak papuntang Las Vegas. Ayon sa Pambansang Kamao, kailangan na umanong tapusin ang expiration date sa kanila ni Juan Manuel Marquez. Habang hawak-hawak ni Pacman ang DVD copies ng mga pelikula ng batikang martial artist na si Bruce Lee. Samantala dumating na sa Los Angeles si Marquez, isang linggo bago ang laban. sa December 9 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada,Ang Pacquiao-Marquez fight sa kung saan gaganapin ang laban.
Bea Alonzo at John Llyod Cruz "The Mistress" Patok sa takilya
- Get link
- X
- Other Apps
Malaki ang pasasalamat ni Bea Alonzo at John Llyod Cruz sa mainit na pagtanggap ng mga movie fans ng dalawa sa kanilang pelikulang "The Mistress" na kumita nang P100 Million At kahit sa France, mainit na tinanggap ang latest movie ng dalawa.halos maiyak din sa tuwa si Bea Alonzo dahil sa balitang umabot na sa P100 Million ang kinita ng nasabing pelikula nila ni John Llyod.
Birthday Concert ni AGA MUHLACH plantsado na!
- Get link
- X
- Other Apps
Sa Unang pagkakataon idaraos ni Aga Muhlach ang kanyang kaarawan sa lalawigan ng Camarines Sur,kaya inaasahan ang pagdating ng malalaking artista sa birthday celebration ng aktor bukas.kabilang sa mga dadalo sa concert/celebration ng aktor sina Billy Crawford,Angel Locsin, Regine Velasquez-Alcasid, mag-asawang Albert at Liezl Martinez, ., Bayani Agbayani, Andrew E. at ang bandang Side A. Samantala Pangungunahan naman ng asawa nitong si Charlene ang nasabing okasyon sa Goa Central School at may libreng sakay ang ipagkakaloob ng aktor sa mga residenteng nais dumalo sa libreng okasyon.
Actor Gerald Anderson nagbakasyon sa Egypt
- Get link
- X
- Other Apps
Actor Gerald Anderson nagbakasyon muna sa Egypt kasama ang nakababatang kapatid at ama .ayon sa report na pinatigil ng ina ni Sarah Geronimo ang binata sa panliligaw sa Pop Star Princess, depensa naman ng binata na walang kinalaman ang kanyang pagbabakasyon sa Egypt. Ani ng binatang actor “It’s just the time for my family. Medyo naging busy din ako, sobra. So, kailangan ko ring magbigay ng oras para sa pamilya ko." ayon naman sa dalaga noong una ay nagpahaging ang kanyang ina na hindi kayang sundin ng Fil-Am actor ang batas sa kanilang pamilya na sa bahay lang liligawan ang anak at hindi sa labas o sa text.
Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa
- Get link
- X
- Other Apps
Kumpirmadong Binawian na ng buhay ang Comedy King na si Rodolfo "Dolphy" Quizon, Labing-limang araw bago ang kanyang ika-84 taong kaarawan, ayon sa kanyang long time partner na si Zsazsa Padilla. Ganap na alas-8:34 gabi ng Martes nang bawian ng buhay ang tinaguriang King of Philippine Comedy matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa Makati Medical Center mula noong June 9. Sa statement ng Makati Medical Center sa pamamagitan ni Dr. Jake Marty, assistant medical patient's relation, binawian umano ng buhay ang aktor dahil sa "multiple organ failure." Si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo, Maynila.i sang mekaniko ang ama nitong si Melencio Espinosa Quizon habang mananahi naman ang kanyang inang si Salud Vera-Quizon. pangalawa ito sa 10 magkakapatid, pinasok nito ang iba't ibang hanapubuhay gaya ng pagtitinda ng mani at pakwan at pagiging shoeshine boy noong kasagsagan ng World War II....
The Highest Paid Athletes Mayweather and Pacquiao
- Get link
- X
- Other Apps
Nangunguna ngayon sa listahan ng Forbes sina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao sa bagong listahan ng Forbes Magazine sa "worlds highest paid athletes." na dating si Tiger Woods ang No.1 Ngayong taon ay pumangatlo lamang si Woods na mula pa noong taong 2001 ay namamayagpag na bilang top-earner. yumaman ng husto si Mayweather dahil naaangkin niya lahat ang kita bunsod ng pagiging fight promoter sa ilalim ng Mayweather Promotions. Sa huling laban kay Cotto nagkamal ang PPV receipts sa $94 million. Si Mayweather ay nagsisilbi ngayon ng kanyang sentensiya sa kulungan sa Las Vegas. Samantala, si Pacman naman na pumapangalawa ay kumita umano ng $62 million. kumita ang Pinoy superstar ng $56 million kabilang na ang paghakot ng kita sa broadcast rights sa Pilipinas laban kay Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley. nasa $6 million naman ang naipon ng pambansang kamao s a mga endorsement tinatayang tulad na lamang sa mga higanteng kompaniya na...
Pacquiao laban kay Tim Bradley
- Get link
- X
- Other Apps
Sa nalalapit na apat na araw laban kay Tim Bradley, at sa kabila ng kahandaan, inamin ni Manny Pacquiao na nakakaramdam pa rin siya ng ‘pressure’.Sa Sabado ng gabi itataya ng pambansang kamao ang WBO welterweight crown sa wala pang talong si Bradley (28-0). Kahapon sa arrival ceremony sa lobby ng MGM Grand Garden Arena, sinabi ni Pacman ang pambansang kamao na nararamdaman niya ang pressure na kailangan niyang makapagpakita ng impresibong laban. Nape-pressure siya dahil sa unang pagkakataon ay manonood nang ‘live’ ang kanyang mga anak. Ayon kay Pacquiao“Medyo may pressure on my part, naghahanap ang mga fans ng magandang performance ko, idagdag pa ‘yong manood ang mga anak ko, first time,” sambit ni Pacquiao na matipid ang mga salita sa bawat tanong sa kanya ng mga mamamahayag. Pagkatapos ng arrival ceremony, nagpahinga lamang ng konting oras ang Pambansang Kamao at nagtungo na sa University of Nevada gym para mag-ensayo.samantala hindi na nito nagawang maka...
Ara Mina Vs. Cristine Reyes
- Get link
- X
- Other Apps
Kinasuhan ni Ara Mina ang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes ng libel at Grave Coercion sa Quezon City fiscal's office hindi para singilin ang sariling kapatid kundi para bigyan ito ng leksyon dahil sa lumalalang ugali nito,nag-way ang magkapatid dahil sa bayaran sa balanse ng bahay na kanilang binili para sa kanilang ina. Ayon sa abogado ni Ara, pinupuwersa umano ni Cristine ang kanyang ate na ibigay na lamang ang SUV ng dalaga bilang kabayaran sa remaining balance sa kanilang nabiling bahay dahil kung hindi, nagbabala si Cristine na hindi niya titigilan ang pag-atake ang kanyang ate.Sa panig naman ni Ara, sinubukan niya aniyang makausap ang kapatid pero hindi siya nito kinakausap sa text lang sumasagot ito at puro masasakit pa na salita ilan lamang dito ang: “Kung ayaw n’yo’ng manggulo ako sa buhay n’yo, bayaran n’yo utang n’yo sa akin. Kung wala kayo pangbayad, ibigay ninyo ang hinihingi ko” .“I’m sure ibebenta mo ‘yang laspag mong katawan na pin...
Luis Manzano Kitang kita na Mahal na Mahal si Jennlyn Mercado
- Get link
- X
- Other Apps
Pinag-usapan ang pagpunta ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN kamakalawa para sa guesting ni Jennylyn sa Gameshow ng Deal or No Deal ni Luis Manzano, A Birthday episode ni Luis na magse-celebrate ng kanyang kaarawan sa Abril 21.Kitang-kita ang sobrang kasiyahan ng actor/TV host, Makikita sa Binata ang sobrang pagmamahal niya kay Jennylyn at panay ang halik nito sa aktres.Kahit si Jennylyn ay tuwang-tuwa raw sa guesting na ‘yun. Natalo man si Jennylyn sa game, okay lang sa kanya dahil nakita niyang masayang-masaya si Luis. Napag alaman din na Maayos daw na nagpaalam si Jennylyn sa GMA 7 at pinayagan naman ito, at napag-alaman ding ni-request si Luis na mag-guest ito sa birthday episode ni Jennylyn sa Mayo sa Showbiz Central.
Cristine Reyes Break na sila ni Rayver Cruz?
- Get link
- X
- Other Apps
Mariing itinanggi ng actor/dancer na si Rayver Cruz na hiwalay na sila ng sexy actress na si Cristine Reyes. Sa isang panayam, inamin ng aktor na busy lang sa trabaho si Reyes kaya marahil ay nagtataka ang nakararami na bihira na silang makitang magkasama. Hindi aniya ito nangangahulugan na break na sila. “’Pag may oras, we still go out, pero 'pag wala, hindi kailangang ipilit kaya nga may cell phone," ani Rayver. Samantala, no comment pa rin sa panig ng RnB singer na si Jay-R at 201 Bb. Pilipinas-International Krista Kleiner tungkol sa napaulat na hiwalay na rin ang mga ito.
Bianca King sa Broken Vow
- Get link
- X
- Other Apps
Malapit nang ipalabas ang Broken Vow sa GMA 7 Network na pinagbibidahan ni Bianca King na ipapalabas na sa February 6. samantala sa presscon ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Broken Vow na walang Dennis Trillo na issue na itatanong kay Bianca King, Ganu’n ang gusto ni Bianca para naka-focus lang daw sana sa Broken Vow ang pag-uusapan.Ayaw niyang sagutin kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Dennis. Pero sinabi rin niyang gusto sana niyang makasama uli sa isa pang drama series si Dennis.Dahil dito sa Broken Vow, ayon kay Bianca na hindi na raw siya magpapakuha uli ng rape scene.Matindi ang rape scene niya sa seryeng ito at sobrang nahirapan ang dalagang bida.Kailangan daw sa kuwento ang rape scene na iyun para ma-establish ang karakter na ginagampanan niya.Kaya tiniis daw niya ang eksenang iyun na napaka-graphic daw ng pagka-execute.paka abangan na lang po ang Broken Vow ani pa ng bida ng teleserye.