Posts

Birthday Concert ni AGA MUHLACH plantsado na!

Image
Sa Unang pagkakataon  idaraos ni Aga Muhlach ang kanyang kaarawan sa lalawigan ng Camarines Sur,kaya inaasahan ang pagdating ng malalaking artista sa birthday celebration ng aktor bukas.kabilang sa mga dadalo sa concert/celebration ng aktor sina Billy Crawford,Angel Locsin, Regine Velasquez-Alcasid, mag-asawang Albert at Liezl Martinez, ., Bayani Agbayani, Andrew E. at ang bandang Side A. Samantala Pangungunahan naman ng asawa nitong si Charlene ang nasabing okasyon sa Goa Central School at may  libreng sakay ang ipagkakaloob ng aktor sa mga residenteng nais dumalo sa libreng okasyon.

Actor Gerald Anderson nagbakasyon sa Egypt

Image
Actor Gerald Anderson nagbakasyon muna sa Egypt kasama ang nakababatang kapatid at ama .ayon sa report na pinatigil ng ina ni Sarah Geronimo ang binata sa panliligaw sa Pop Star Princess, depensa naman ng binata na walang kinalaman  ang kanyang pagbabakasyon sa Egypt. Ani ng binatang actor   “It’s just the time for my family. Medyo naging busy din ako, sobra. So, kailangan ko ring magbigay ng oras para sa pamilya ko." ayon naman sa dalaga noong una ay nagpahaging ang kanyang ina na hindi kayang sundin ng Fil-Am actor ang batas sa kanilang pamilya na sa bahay lang liligawan ang anak at hindi sa labas o sa text.

Pagpanaw ng Comedy King "Dolphy" Pilipinas Nagluluksa

Image
Kumpirmadong Binawian na ng buhay ang Comedy King na si Rodolfo "Dolphy" Quizon,    Labing-limang araw bago ang kanyang ika-84 taong kaarawan, ayon sa kanyang long time partner na si Zsazsa Padilla. Ganap na alas-8:34 gabi ng Martes nang bawian ng buhay ang tinaguriang King of Philippine Comedy matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa Makati Medical Center mula noong June 9. Sa statement ng Makati Medical Center sa pamamagitan ni Dr. Jake Marty, assistant medical patient's relation, binawian umano ng buhay ang aktor dahil sa "multiple organ failure."     Si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo, Maynila.i sang mekaniko ang ama nitong si Melencio Espinosa Quizon habang mananahi naman ang kanyang inang si Salud Vera-Quizon. pangalawa ito sa 10 magkakapatid,  pinasok nito ang iba't ibang hanapubuhay gaya ng pagtitinda ng mani at pakwan at pagiging shoeshine boy noong kasagsagan ng World War II.

The Highest Paid Athletes Mayweather and Pacquiao

Image
Nangunguna ngayon sa listahan ng Forbes sina Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao sa bagong listahan ng Forbes Magazine sa "worlds highest paid athletes." na dating   si Tiger Woods ang No.1  Ngayong taon ay pumangatlo lamang si Woods na mula pa noong taong 2001 ay namamayagpag na bilang top-earner. yumaman  ng husto si Mayweather dahil naaangkin niya lahat ang kita bunsod ng pagiging fight promoter sa ilalim ng Mayweather Promotions. Sa huling laban kay Cotto nagkamal ang PPV receipts sa $94 million. Si Mayweather ay nagsisilbi ngayon ng kanyang sentensiya sa kulungan sa Las Vegas. Samantala, si Pacman naman na pumapangalawa ay kumita umano ng $62 million. kumita ang Pinoy superstar ng $56 million kabilang na ang paghakot ng kita sa broadcast rights sa Pilipinas laban   kay Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley. nasa $6 million naman ang naipon ng pambansang kamao s a mga endorsement tinatayang  tulad  na lamang sa mga higanteng kompaniya na  Hewlett-Packard, Monst

Pacquiao laban kay Tim Bradley

Image
Sa nalalapit na apat na araw laban kay Tim Brad­ley, at sa kabila ng kahandaan, inamin ni Manny Pacquiao na nakakaramdam pa rin siya ng ‘pressure’.Sa Sabado ng gabi  itataya ng pambansang kamao ang WBO welterweight crown sa wala pang talong si Bradley (28-0). Kahapon sa arrival ceremony sa lobby ng MGM Grand Garden Arena, sinabi ni Pacman ang  pambansang kamao  na nararamdaman niya ang pressure na kailangan niyang makapagpakita ng impresibong laban. Nape-pressure siya dahil sa unang pagkakataon ay manonood nang ‘live’ ang kanyang mga anak. Ayon kay Pacquiao“Medyo may pressure on my part, naghahanap ang mga fans ng magandang performance ko, idag­dag pa ‘yong manood ang mga anak ko, first time,” sambit ni Pacquiao na matipid ang mga salita sa bawat tanong sa kanya ng mga mamamahayag. Pagkatapos ng arrival ceremony, nagpahinga lamang ng konting oras ang Pambansang Kamao at nagtungo na sa University of Nevada gym para mag-ensayo.samantala hindi na nito nagawang makapag Bible stud

Ara Mina Vs. Cristine Reyes

Image
 Kinasuhan ni Ara Mina ang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes ng libel at Grave Coercion sa Quezon City fiscal's office hindi para singilin ang sariling kapatid kundi para bigyan ito ng leksyon dahil sa lumalalang ugali nito,nag-way ang magkapatid dahil sa bayaran sa balanse ng bahay na kanilang binili para sa kanilang ina. Ayon sa abogado ni Ara, pinupuwersa umano ni Cristine ang kanyang ate na ibigay na lamang ang SUV ng dalaga bilang kabayaran sa remaining balance sa kanilang nabiling bahay dahil kung hindi, nagbabala si Cristine na hindi niya titigilan ang pag-atake ang kanyang ate.Sa panig naman ni Ara, sinubukan niya aniyang makausap ang kapatid pero hindi siya nito kinakausap sa text lang sumasagot ito at puro masasakit pa na salita ilan lamang dito ang:    “Kung ayaw n’yo’ng manggulo ako sa buhay n’yo, bayaran n’yo utang n’yo sa akin. Kung wala kayo pangbayad, ibigay ninyo ang hinihingi ko” .“I’m sure ibebenta mo ‘yang laspag mong katawan na pinagsawaan na ng

Luis Manzano Kitang kita na Mahal na Mahal si Jennlyn Mercado

Image
Pinag-usapan ang pagpunta ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN kamakalawa para sa guesting  ni Jennylyn sa Gameshow ng Deal or No Deal ni Luis Manzano, A Birthday episode ni Luis na magse-celebrate ng kanyang kaa­rawan sa Abril 21.Kitang-kita ang sobrang kasiyahan ng actor/TV host, Makikita sa Binata ang sobrang pagmamahal niya kay Jennylyn at panay ang halik nito sa aktres.Kahit si Jennylyn ay tuwang-tuwa raw sa guesting na ‘yun. Natalo man si Jennylyn sa game, okay lang sa kanya dahil nakita niyang masayang-masaya si Luis. Napag alaman din na Maayos daw na nagpaalam si Jennylyn sa GMA 7 at pinayagan naman ito, at napag-alaman ding ni-request si Luis na mag-guest ito sa birthday episode ni Jennylyn sa Mayo sa Showbiz Central.