Posts

Showing posts from November, 2011

Gwen Gwendoline Ruais hindi dapat magkaroon ng comparison sa kanila ni Shamsey Supsup

Image
Pinagkaguluhan si Ms. World first runner-up Gwendoline Ruais sa Senado upang tanggapin ang ibinigay na parangal ng kapulungan kaugnay ng kanyang nakamit na tagumpay para sa Pilipinas. kasama ng Miss World na nagtungo sa senado ang kanyang pamilya. matatandaang ibinida ni Miss World-Philippines pageant director Cory Quirino na mas malaki umanong tagumpay ito para sa bansa dahil 100 bansa ang kalahok kompara sa Miss Universe na mayroon lamang daw 87.naging maingat naman ang Filipina-French beauty queen sa mga tanong tungkol kay Shamcey Supsup sa Welcome Presscon ng Miss World Philippines noong biyernes na ginanap sa Midas Hotel tungkol sa pagkukumpara ng dalawang Beauty Queen dahil sa mas mataas ang karangalan na nakuha nya sa Miss World kumpara sa 3rd runner-up place ni Shamcey Supsup.para kay Gwen hindi dapat magkaroon ng comparison dahil pareho sila ni Shamsey Supsup ang naguwi ng karangalan sa ating bansa. samantala handa na ngayong umaga ang Motorcade ng Miss World 1st Princess na m

Coco Martin nagpasalamat sa mga tumulong na umangat ang kanyang acting career

Image
Hindi na makakaila na isa si Coco Martin sa Philippine Movie Industry bilang isang mahusay na actor. kabilang na rito ang Golden Screen Awards Best Performance at  Gawad Urian Best Supporting Actor sa pelikulang Jay noong 2009 na ilan lamang sa mga parangal sa kanya bilang isang magaling na actor kaya Todo ang pasasalamat ni Coco sa lahat ng tumulong sa kanya upang umangat ang kanyang acting career. sa ngayon loveless ang actor at mas inuuna nya na matapos ang bahay na pinagagawa nya.itinangi rin ng actor na nililigawan nya si Angeline na leading lady niya sa ginagawang movie.nabanggit kasi ni Angeline na crush nya ang actor, “Wala ‘yon. Magkasama lang kami ni Angeline sa movie.inamin din ng actor na huwag ng makatrabaho pa ang actress na si Maja Salvador na hiniling ng actor sa kanilang management.dahil sa naging kontrobersyal na pagsusuntukan diumano ni Coco at actor na si Matteo Guidicelli dahil kay Maja na girlfriend ng Huli na ayon sa actor ay pinili ang lumayo bilang respeto sa m

Sarah Geronimo Concious sa tingin ni Gerald Anderson

Image
Hindi Makakaila na sobrang concious ang Pop Princess sa tuwing titingnan siya ni Gerald Anderson na pinagtambalan ngayon ng dalawa sa pelikulang Won't Last A Day Without You, Sa trailer pa lang kasi, parang sobrang kinikilig na si Sarah, kaya excited na ang pop princess. Bagay si Sarah kay Gerald kaya hindi lang si Sa­rah ang kinikilig pati na rin ang mga fans at manonood.  excited na rin si Sarah sa sisimulang niyang primetime show sa Kapamilya Network tuwing linggo mapapanood ang nasabing programa na halos tapos na ang lahat na pakakaabangan at kapapanabikang sigurado  ng mga manonood.

Richard Marx one-night Concert sa Pinas

Image
American Pop Rock Singer/Songwriter Richard Marx ay bibisita sa bansa  para sa kanyang one-night concert sa disyembre.Kabilang sa mga pinasikat na awitin ng nasabing singer ay ang Right Here Waiting,Now and Forever, Should've Known Better,Hazard at iba pang nag Top Hits sa Billboard noong 80's and 90's. kabilang sa mga sinulat na kanta ng American Pop Rock Singer na nagwagi sa Grammy Awards ay ang Dance with my Father ni Luther Vandross at ang This i Promise You ng boyband NSYNC.ang one night concert ay gaganapin  sa December 9 sa Araneta Coliseum.

Stef Prescott Gutom sa Pandesal ni John Odulio

Image
Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown castaway na si Stef Prescott kinikilig sa abs ni John Odulio  kapwa niya castaway na member ng Volcanoes. say pa ni Stef sa tuwing makikita nya si John ang abs o pandesal  agad nito ang napapansin nya na parang nakakaramdam daw siya ng gutom.kwento pa ng castaway na si Stef  na nangunguna sa kaseksihan at kagwapuhan si john sa kanya na lalong pang humanga kay John ng makagat sya ng Philippine Cobra at buhatin sya nito para saklolohan. ayon pa kay Stef na hindi lang sya ang natatakam sa pandesal ni John pati na rin ang iba pang babae na kasama nya sa island.limang taon na pala si Stef sa kapuso network pero hanggang ngayon ay wala pang linaw kung saan patutungo ang kanyang showbiz career kaya umaasa si Stef na mapapansin siya sa Survivor para sumikat at magkaroon ng mas maraming project.

NBA Regular Season Games Kanselado pa rin

Image
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakasundo ang dalawang panig dahil sa patuloy na pagmamatigas ng mga players na makipag-kasundo sa mga team owners, nagdesisyon ngayon si NBA Commissioner David Stern na kanselahin ang regular season games hanggang Dec. 15. ayon sa huling negosasyon, tumanggi pa rin ang players' union na tanggapin ang 50-50 split offer ng mga team owners at nagbanta  rin ang National Basketball Players Association na hindi na nila itutuloy ang negosasyon at sa halip ay dudulog na sila sa korte.

Solenn Heussaff Bagong Tambok Queen

Image
Sa bagong bansag na Tambok Queen kay Solenn Heussaff ay tanggap naman ng Fil-French singer-actress  dahil sa mapangahas na  2012 calendar ng Ginebra San Miguel. dahil sa pinakitang boobs, sexy body, at tambok sa limang poses na tiyak na pag papantasyahan ng mga kalalakihan.samantala handa rin ang Fil-French actress singer na ipakita ang pribadong parte ng katawan basta class ang dating, hindi bastos at hindi siya ikahihiya ng mga parents niya.

Iwa Moto May Pasasabugin sa Startalk sa sabado

Image
Hanggang ngayon ay tahimik lang si Iwa Moto sa mga nangyaring kaguluhan sa kanya  ng ex-boyfriend nyang si Mickey Ablan walang nagsalita sa dalawa at iniiwasan pa rin nila itong pag-usapan.sa dami ng nang nangulit kay Iwa pero wala syang sinagot dito makaraang lumabas ang kwentong iyon sa Showbiz Central.nangako naman ang actress na sa Startalk siya magsasalita at abangan na lang daw sa Sabado dahil doon niya sasabihin ang lahat.

Angel Locsin in love din kay Phil Younghusband

Image
Napag-alaman na noon ay sinabi ng dalawa na exclusively dating sila ngunit nitong mga nakaraang buwan ay madalas nang nakikita na magkasama sina Angel Locsin  at Phil Younghusband kung kaya't marami ang nagtatanong kung opisyal nang mag-on ang dalawa. sa ngayon ay bakas sa mukha ng actress ang kaligayahan kapag kasama ang Azkals heartthrob na si Phil Younghusband. Ito ang deklarasyon mismo ng aktres, kasabay ng pag-amin na in love na siya sa Filipino-British  footballer.Ayon sa aktres, sila ngayon ay dalawang taong in love at ibang level na ang kanilang relasyon, kumpara sa dati na getting to know each other.ayon pa sa actress na hindi na mahalaga ang Title sa relasyon dahil mas  matimbang ang kaligayahan kapag kasama nya ang Azkals heartthrob .

Pacquiao Wagi Laban Kay Marquez

Image
Matagumpay na naidepensa ng Filipino ring icon Manny Pacquiao ang WBO welterweight crown nito  laban kay 3-division world champion Juan Manuel Marquez. hindi man napabagsak ni Pacquiao ang Mexican boxer, nasungkit nito ang panalo via majority decision. Si Pacquiao ay nakakuha ng 114-114, 115-113 at 116-112 na paborableng iskor sa cards.ganun pa man marami naman ang humanga sa tibay at galing ng counter-punching ni Marquez kung saan malinaw na nahirapan si Pacquiao. Sa computer box, lumabas na mayroong kabuuang 578 punches na binitawan si Pacquiao kung saan 176 ang tumama habang si El Dinamita ay mayroon lamang 436 punches at 138 dito ang naka-connect.mayroon ding 304 jabs ang Filipino ring icon kung saan 59 ay tumama kay Marquez habang ang Mexican ring legend ay nakatama lamang ng 38 jabs mula sa kabuuang 182 nitong binitawan.sa power punches, lamang pa rin sa mga binitawang suntok si Pacman.ang pound-for-pound king ay may 274 power punches kung saan 117 ay tumama sa kalaban habang si

Pacquiao vs. Marquez 3 kapwa pasok sa Weigh In

Image
Nasaksihan na ng mga libo-libong Boxing fans ang weigh-in nina Filipino ring icon Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ngayon para sa kanilang 12-round WBO welterweight fight sa MGM Grand Garden Arena. tumimbang ang dalawang boksingero sa mas magaan sa weight limit sa welterweight division sina eight-division world champion at WBO welterweight champion Manny Pacquiao at three-division champion at current WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez.  tumimbang si Pacquiao sa 143 pounds, habang si Marquez ay naitala naman sa 142 pounds, ang contract weight limit sa kanilang ikatlong showdown ay nasa 144 pounds. Ginanap ang official weigh-in pasado alas-3:00 ng hapon oras sa Las Vegas o pasado alas-7:00 naman ng umaga sa Pilipinas. November 12.Samantala liyamado pa rin si Pacman pagdating sa pustahan habang nalalapit ang laban.gaya ng dati agad  bumawi sa pagkain (tinolang manok) ang paboritong pagkain ng pound for pound king matapos ang matagumpay na weigh-in para sa laban kay Ju

Ramona Revilla nasa bansang Turkey

Image
Kumpirmadong Nasa bansang Turkey ngayon si  Maria Ramona Bautista a.k.a Ramona Revilla, suspek sa pagpatay sa sariling kapatid na aktor na si Ramgen  Revilla kasama ang asawang turkish na si Engin Tuna Bulbuloglu. pinagtanggol naman ng asawang turkish si ramona na walang kasalanan sa pagpatay kay Ramgen sariling kapatid nito, tiniyak din ng asawang turkish na walang makakagalaw kay Ramona sa kanyang bansa. dahil sa pagtungo ni Ramona sa bansang Turkey maraming mga OFW 's na nakabase doon ang nangangamba dahil sa lalong maghigpit ang mga awtoridad gawa ng kontrobersiyang nakarating doon.sa darating na november 18 at hindi makaharap si Ramona sa Prosecutor’s Office  ay magde-desisyon na ang piskalya kung may probable cause ba na sampahan siya ng kaso at kung mayroon nga ay isasampa sa kanya ang mga kasong murder at frustrated murder.

Phil Younghusband seryoso't malinis ang intensyon kay Angel

Image
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano  ang estado ng  relasyong Phil Younghusband at rumored girlfriend na si Angel Locsin. ayon sa Azkals star masaya sila ngayon kapag magkasama at hindi na mahalaga kung ano ang tawag sa kanilang relasyon bastat ang mahalaga ay kasama niya palagi ang actress at maganda at sersyoso ang intensyon nya kay Angel at siya ang gustong makasama ng Azkal striker sa future.

Regine Velasquez nagluwal ng Baby boy

Image
Sobrang Proud at masayang inanunsiyo ng singer actor na si Ogie Alcasid ngayon  sa bunso at unang anak na lalaki na si Nathaniel James nang isilang ni Regine Velasquez ang unang anak nila, napakaguwapo at maputi si Nathaniel James kaya  kay Regine ito nagmana kwento ng singer-actor. Kaagad naman nagpaabot ng pagbati ang mga kapatid sa industriya ng showbiz sa mag-asawa.

Lorna Tolentino sa Glamorosa

Image
Umere na sa Telivision ang Drama seryeng Glamorosa sa TV5 Kapatid Network na pinagbibidahan ni Lorna Tolentino kasama rin sina Alice Dixon, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, Celeste Legaspi, Ronaldo Valdez, Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Jenny Miller at ang mga bagong he-nerasyon ng artistang sina Ritz Azul, Meg Imperial, Mart Escudero at Victor Silayan.at  sa direksyon ng tatlong mahuhusay  na Director na sina Eric Quizon, Argel Joseph at Bb. Joyce Bernal..ayon kay Director Eric Quizon ng Glamorosa  ay mabilis ang pacing ng nasabing drama serye.

John Lloyd Cruz pinagtanggol ni Mother Lily

Image
Dahil sa nakaraang interview ni Dj Mo Twister kay  Ruffa Gutierrez sa Paparazzi sa TV5 sa Tell all Interview Inilantad din kasi ni Ruffa ang malakas na pag-inom ng alak ni John Lloyd up to the extent na nakakatulog na lang daw ito sa lamesa at binubuhat na lang palabas ng mga bodyguards o bouncers ay pinagtanggol ni Mother Lily ang actor. Ilang beses na sinasabi ni Mother Lily na halos lahat ng lalake ay umiinom at nagpapakalasing. Sabi pa niya, hindi isyu ang pag-inom ng alak ni John Lloyd dahil lalake ito at natural sa karamihan ng mga lalake ay manginginom.Ibinigay pang halimbawa ni Mother Lily ang mga babae na malakas ding uminom gaya ng mga lalake, ayon din sa mga katabing bisita ni Mother Lily na nakasama ng actor sa inuman at kapag nalalasing ay kung anu-ano pa ang sinasabi nito at laging nakakatulog sa kabila ng mga akusasyon sa actor ay hindi pa rin natinag si Mother sa pagtatangol niya kay John Lloyd. Ayon kay Mother Lily, mabait na tao si John Lloyd.

Star Center ng Talk N' Text Ali Peek Binaril

Image
Binaril sa batok ang Player ng Talk N' Text na si  Ali Peek habang ito ay nag-aayos ng gamit sa kaniyang sasakyan sa parking area ng RFM Gym sa Pioneer St. sa nabanggit na lungsod, pasado alas-7:15 kagabi.sa kabila ng tinamong sugat ay nagawa pa umano ng player na makahingi ng tulong sa mga bystanders. samantala Naglaan naman ng kalahating milyong pisong pabuya si Manny V. Pangilinan Talk N’ Text team owner para sa agarang ikaaresto ng suspek sa pamamaril kay PBA player Ali Peek.kasalukuyang nagpapagaling ang Basketball player sa The Medical City.

Joe Frazier Boxing icon Pumanaw na

Image
Pumanaw na si former heavyweight champion Joe Frazier  sa edad na 67 ngayong araw na ito dahil sa Liver Cancer. matatandaang si Frazier ang kauna-unahang boksingero na nakatalo kay Muhammad Ali sa laban na tinaguriang "Fight of the Century" noong 1971,pero noong 1975 sa rematch ni Ali at Frazier na ginanap sa Araneta Coliseum  na binansagang "Thrilla in Manila" ay tinalo ni Ali si Frazier.

Maria Aragon kakanta ng National Anthem sa Pacquiao vs Marquez Fight

Image
Biyaheng Amerika na ngayon ang Filipina-Canadian singing sensation na si Maria Aragon kasama ang kanyang ina para sa pagkanta ng National Anthem sa Pacquiao-Marquez fight. si Aragon ang napili ni eight-division world champion Manny Pacquiao na kumanta ng national anthem ng Pilipinas sa laban nila ni Juan Manuel Marquez sa darating na November 13 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Sa kabila ng mga  paghahanda, aminado ang young singer na kabado pa rin siya sa pag akyat sa MGM ring sa Nevada Las Vegas para umawit ng Lupang Hiirang sa darating na linggo.bago bumiyahe ng Amerika ay sumangguni pa si Aragon sa National Historical Commission para mabigyan ito ng pointers sa tamang pag-awit ng Lupang Hinirang at hindi mapulaan ng maling pag-awit ng Philippine national anthem.

Ruffa Gutierrez with Dj Mo Twister sa Tell all Interview

Image
Mamaya sa episode ng Paparazzi sa TV5 Kapatid Network ang pangako ni Ruffa Gutierrez mapapanood sa Tell all  interview ni Dj Mo Twister isisiwalat ni Ruffa Gutierrez ang mga text messages ni Shaina Magdayao sa kanya ngayong hapon ng  linggo Nobyembre 6.Nauna nang pinabulaanan ni Shaina na pinadalhan niya ng hindi magagandang mensahe ang Paparazzi host na dating na link kay  John Lloyd Cruz na siyang kasintahan ngayon ni Shaina.

Sarah Lahbati "Kokak" sa GMA7

Image
Masayang inihayag ni Sarah Lahbati ang kanyang bagong pagbibidahan sa TV version ng "Kokak" sa GMA7.“Sobrang saya ko. Naglulundag ako sa kwarto ko at binalita ko agad kina mommy. Tinawagan ko sila!” pahayag ni Sarah. nakilala si Sarah sa StarStruck V at sa kanyang sweet image. eto na ang time na pinakahihintay ng dalaga dahil bata pa lang ay nag-aartista na. “Five years old pa lang, nag-aartista na ako. Pabalik-balik lang tapos, sumali ako ng StarStruck dahil siguro inisip ko na ‘yun nga ‘yung way. Hindi naman ako nagsi-sisi sa lahat ng desisyong ginawa ko dahil kung hindi ako sumali ng StarStruck, for sure wala ako rito,” katwiran pa niya.  kasama ni ­Sarah sa afternoon drama ay sina  Ervic Vijandre, TJ Trinidad, Jessa Zaragosa,  JC Tiuseco,  Caridad Sanchez, Deborah Sun at sa direksyon ni Ricky Davao.

Kobe Bryant Binisita si Pacquiao sa Wild Card Gym

Image
Binisita ni  Lakers superstar Kobe Bryant si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles kahapon at syempre sinalubong ng pound for pound king ang basketball star konting chicka chicka at photo ops ang dalawa. matatandaang noong July, ang laro naman nina Bryant kasama sina Kevin Durant, Derrick Rose, Derek Fisher, Chris Paul at iba pang NBA All-Stars kontra Smart-Gilas sa Araneta Coliseum ang natigil nang biglang dumating si Pacquiao.Mula sa kanilang bench, tinawid ni Bryant ang court para kamayan si Pacman.Masaya namang pinanood ni Kobe ang ensayo ni pacman sa Wild card gym..

Gwendoline Ruais Miss World 2011 Pasok sa Finalist Pre-Pageants

Image
Pasok sa preliminary pageants si Miss World 2011 na si Gwendoline Ruais ang Fil-French beauty queen na  kandidata ng Pilipinas,Top 20 finalists para sa Beach Beauty qualifiers o swimsuit competition ng pageant,pasok din ang pambato ng Pilipinas sa sampung kandidata para sa "Top Beauty with a Purpose." layunin ng "Beauty with a Purpose" campaign na magpalaganap ng awareness at makatulong sa paglikom ng pondo para sa iba't-ibang charities sa buong mundo.mula sa 36 na mga finalists ay pinili ang Top 20 na kinabibilangan ng Ms. Philippines,England, Italy,  Korea,  Northern Ireland, Puerto Rico, Russia, Serbia, Spain, St Barthelemy, Sweden, Ukraine, Brazil, New Zealand, Paraguay,   Bolivia,Venezuela,Kazakhstan, at Zimbabwe.ang Grand Coronation night ng Miss World 2011 ay gaganapin sa darating na November 7 sa Earls Court Exhibition Center sa London.

Marquez 'El Dinamita' Ulitimate Competitor ni "Pacman"Pacquiao

Image
Sa kabila ng paglaki ng katawan ni Juan Manuel Marquez dahil sa diumano'y paggamit ng steroid ayon kay Pacquiao, wala siyang nararamdamang pressure sa nalalapit na laban.ang tanging nararamdaman umano niya ngayon ay ang panalo at ang katapusan ng kontrobersiya sa dalawang naunang laban nila ni Marquez.ayon kay Pound for Pound King "I don't feel added pressure. What I do feel is more incentive to win than I have in a very long time. This will be a fight that will end all of the controversy that Juan Manuel Marquez has brought up over the previous two fights. It will answer all questions... I think what will make this fight the best of the three is that I have become a more complete fighter. I have more weapons than I did the last time we met," wika ni Pacman.samantala itataya ni trainer Freddie Roach ang kanyang $5,000 o nasa mahigit P213,000 na pera kung hindi mapapatumba ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez.Ayon kay Roach, nasa peak ng e

Piolo Pascual at Kc Concepcion Status

Image
Hanggang ngayon ay todo iwas pa rin sina Piolo Pascual at KC Concepcion na sagutin ang mga tanong kung ano ang estado ngayon ng kanilang relasyon. Napag-alaman na lumakas ang mga hinalang naghiwalay na ang dalawa nang biglaang lumipad patunggong  europe si KC dalawang linggo na ang nakaraan.

Ama ni Charice Pempengco nagparamdam sa Pinay Singing Sensation

Image
Namumugto pa ang mga mata ng Pinay singing sensation na si Charice mula sa Hong Kong na dumating sa NAIA bago maghatinggabi.kinansela ng singer ang concert sa singapore para makarating sa burol ng kanyang amang si Ricky Pempengco na pinatay sa saksak noong lunes ng gabi..ayon kay charice " hindi pa rin ako makapaniwala, i think para sa akin kahit hindi naman kami nag bonding talaga were still a great short relationship"..sa kabila ng pagdadalamhati hindi nakaligtas si charice sa intriga dahil umano sa paglabas nya ng sama ng loob sa pamilya ng kanyang ama sa kabila ng pangyayari ay nagka-ayos naman na ang pamilya pempengco..kwento pa ni charice parang nagparamdam na daw ang kanyang ama sa concert nya sa indonesia,ayon kay charice may nakasama syang bodyguard na kamukha ng kanyang ama.nakiusap naman sa publiko ang pamilya ni Charice na bigyan sila ng privacy ngayong nagluluksa sila sa pagpanaw ng amang si Ricky na nakalagak ang mga labi  sa Divine Mercy Chapel sa Muntinlupa.

Survivor Philippines Celebrity Showdown

Image
Survivor Philippines Celebrity Showdown ay malapit ng i-ere sa GMA 7 Hosted by Richard Gutierrez sa November..kabilang sa Celebrity Showdown sina Jackie Foster at Angeli Copter,Betong at Maey, Arthur Solinap at Carlo Gonzales, Alyssa Alano at Aifha Medina, Ellen Adarna at Filo Cucueco, Maria Isabel Lopez at Mara Lopez Yokohama, Chuckie Dreyfus at Isabel Granada, John Odulio at Arnold Aninion, Stef Prescott at Gino Dela Pena, Geneva Cruz at Kc Montero...Gaano katibay ang mga pinagsamahan magkakasubukan na ....